Kartilya ng Katipunan
By Emilio Jacinto
Mga Aral nang Katipunan ng mga A.N.B.
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. 3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran. 4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao. 5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. 6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. 7. Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan. Value of time 8. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi. 9. Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. 10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din. 11. Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan. 12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba. 13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. 14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito. | The Katipunan Code of Conduct
1. The life that is not consecrated to a lofty and reasonable purpose is a tree without a shade, if not a poisonous weed.
2. To do good for personal gain and not for its own sake is not virtue. 3. It is rational to be charitable and love one's fellow creature, and to adjust one's conduct, acts and words to what is in itself reasonable. 4. Whether our skin be black or white, we are all born equal: superiority in knowledge, wealth and beauty are to be understood, but not superiority by nature. 5. The honorable man prefers honor to personal gain; the scoundrel, gain to honor. 6. To the honorable man, his word is sacred. 7. Do not waste thy time: wealth can be recovered but not time lost. 8. Defend the oppressed and fight the oppressor before the law or in the field. 9. The prudent man is sparing in words and faithful in keeping secrets. 10. On the thorny path of life, man is the guide of woman and the children, and if the guide leads to the precipice, those whom he guides will also go there. 11. Thou must not look upon woman as a mere plaything, but as a faithful companion who will share with thee the penalties of life; her (physical) weakness will increase thy interest in her and she will remind thee of the mother who bore thee and reared thee. 12. What thou dost not desire done unto thy wife, children, brothers and sisters, that do not unto the wife, children, brothers and sisters of thy neighbor. 13. Man is not worth more because he is a king, because his nose is aquiline, and his color white, not because he is a *priest, a servant of God, nor because of the high prerogative that he enjoys upon earth, but he is worth most who is a man of proven and real value, who does good, keeps his words, is worthy and honest; he who does not oppress nor consent to being oppressed, he who loves and cherishes his fatherland, though he be born in the wilderness and know no tongue but his own. 14. When these rules of conduct shall be known to all, the longed-for sun of Liberty shall rise brilliant over this most unhappy portion of the globe and its rays shall diffuse everlasting joy among the confederated brethren of the same rays, the lives of those who have gone before, the fatigues and the well-paid sufferings will remain. If he who desires to enter (the Katipunan) has informed himself of all this and believes he will be able to perform what will be his duties, he may fill out the application for admission. |